Protektado ang Send account mo ng mga passkey sa mga device mo. Kung mawala mo man ang lahat ng ito, matutulungan ka ng recovery contacts na makabalik. Sila ay mga Send user na pinagkakatiwalaan mo, gaya ng pamilya o malalapit na kaibigan.
Paano ito gumagana
Pipili ka ng 2 hanggang 5 Send user bilang recovery contacts mo.
Ikaw ang magpapasya kung ilan sa kanila ang kailangang mag-kumpirma ng recovery. Laging hindi bababa sa 2.
Kung mawala mo ang mga passkey mo, isang contact ang magsisimula ng recovery para sa iyo, at kukumpirmahin ito ng iba.
Kapag sapat na ang nag-kumpirma, may 48-hour waiting period bago ka makapasok. Ikaw lang ang puwedeng magkansela ng recovery sa panahong iyon, kaya walang makakaagaw ng account mo nang hindi mo napapansin.
Tumatakbo sa blockchain ang recovery. Hindi kayang pigilan ng Send ang recovery na kinumpirma ng mga contact mo, at hindi rin kami makakapagsimula ng isa para sa iyo.
I-set up ito
Pumunta sa Profile → Settings → Seguridad → Account recovery.
I-on ang Security alerts kung tatanungin. Ito ang mga notification sa device mo na nagbababala agad kapag may nagsimula ng recovery sa account mo. Kung naka-block ang mga notification para sa Send, payagan muna ang mga ito sa settings ng device mo. I-set up ang recovery sa Send app (o idagdag ang Send sa Home Screen mo at buksan ito mula roon), dahil hindi makakatanggap ng mga alert na ito ang regular na web browser.
I-tap ang Add a Send user at pumili ng 2 hanggang 5 tao gamit ang Sendtag nila.
Piliin ang Confirmations needed, halimbawa 2 sa 3.
I-tap ang Turn on with passkey.
Makikita mo ang Recovery is on. Matutulungan ka na ng mga contact mo kung kailanganin mo sila.
Kailangan ng maliit na network fee para i-on ang recovery. Kadalasan, sinasagot ito ng Send. Kung hindi, babayaran ito mula sa USDC mo.
Napupunta sa blockchain ang Send account mo sa una nitong bayad. Kung hindi ka pa nakakapagbayad, magpadala muna ng isa, tapos i-set up ang recovery.
Pagpili ng mabubuting recovery contact
Pumili ng mga taong makakausap mo sa phone o nang personal, hindi lang online.
Pumili ng mga taong regular na gumagamit ng Send at aalagaan ang sarili nilang account.
Huwag pumili ng mga taong magkakakilala nang husto kung maiiwasan. Pinapahirap nito ang sinumang gustong pagsabwatin ang isang grupo para aprubahan ang recovery na hindi mo hiniling.
Kung mawala mo ang mga passkey mo
Sa bago mong phone, buksan ang Send at i-tap ang Lost your passkey?
Tawagan ang isa sa mga recovery contact mo. Sila ang magsisimula ng recovery sa Send at magpapadala sa iyo ng link.
Buksan ang link sa bago mong phone para gumawa ng bagong passkey, tapos i-share ang request mo sa iba mo pang recovery contact para makumpirma nila ito.
Pagkatapos ng 48-hour waiting period, makakabalik ka na.
Ikaw ba ito?
Kung may nagsimula ng recovery sa account mo at hindi mo ito hiniling, makikita mo ang Was this you? I-tap ang Cancel recovery sa loob ng 48-hour waiting period para pigilan ito, tapos kontakin kami sa Profile → Settings → Tulong → Live chat.
Baguhin o i-off ang recovery
Pumunta sa Profile → Settings → Seguridad → Account recovery para palitan ang mga contact mo, o i-tap ang Turn off recovery.
Pagiging recovery contact ng iba
Kung may nagdagdag sa iyo, makikita mo sila sa ilalim ng Profile → Settings → Seguridad → Accounts you protect. Magsimula o mag-kumpirma lang ng recovery kung direkta mo silang nakausap at sigurado kang sila talaga iyon.
Kaugnay
