Mga isang minuto lang ang paggawa ng Send account. Hindi mo kailangan ng password, seed phrase o ID para magsimula.
Ang kailangan mo
iPhone o Android phone na may screen lock (Face ID, fingerprint o PIN)
Naka-on ang iCloud Keychain o Google Password Manager, para naka-back up ang passkey mo
Mag-sign up
I-download ang Send app at i-tap ang Register. Kung inimbita ka ng kaibigan, i-tap ang Join Send.
I-claim ang iyong Sendtag. Ito ang handle mo, para puwede kang bayaran ng kahit sino, gaya ng /alex. Libre ang una mo at kailangan itong may hindi bababa sa 5 character: mga letra, numero at underscore.
May referral code ka? I-tap ang Have a referral code? at ilagay ito.
I-secure ito gamit ang passkey. I-tap ang Create my passkey at gamitin ang mukha, fingerprint o PIN mo.
I-on ang mga notification para malaman mo agad kapag may gumalaw na pera, o i-tap ang Hindi muna.
Makikita mo ang Welcome to Send. I-tap ang Get started.
Kung may hindi gumana
Nakikita mo | Ang gagawin |
This sendtag is taken | Sumubok ng iba. |
First Sendtag must be at least 5 characters | Habaan pa ito. |
That didn't work (passkey) | Walang na-save, kaya i-tap ang Try again. Siguraduhing may screen lock ang phone mo at naka-on ang password manager mo. |
A security check blocked this request | I-off ang anumang VPN at subukan ulit. |
Passkeys don't work in this app's built-in browser | Buksan na lang ang link sa pangunahing browser ng phone mo. |
Susunod
